|
Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan (lyrics)
Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan
at ang kahapong saya'y bigyan daan
mapananariwa pa nating muli
ang pag-ibig kahi't na ngayo'y mali.
Minsan pa nating buksan, nakapinid nang pinto
muli kong hahaplusin ang 'yong puso
at subukan natin kung may mananabik
na pagmamahal kahit man lang munti
Nababatid kong kasalanan muli nating pagmamahalan
subalit di ko magawang limutin ka
sasabihin kong ako ang siyang nagkasala
mahal kita, mahal kita.
Minsan pa nating hagkan ang ating nakaraan
buhay man ang kapalit ako'y laan
dahil ang pag-ibig ko'y di mamamatay
sa mundong ito'y wala pang papantay

ang pag-ibig ko'y buhay kailanpaman
at maghihintay sa 'yo kahit saan
Minsan pa nating hagkan ang nakaraan.